Marami ang nag-alala nang may naglabasang mga balita na naaksidente umano ang beauty queen na si Michelle Dee na nasa El Salvador ngayon para sa Miss Universe 2023.
Sa El Salvador gaganapin ang grand coronation ng Miss Universe 2023 pageant sa darating na November 18 at nagdaratingan doon ang ilang kandidata para sa mga gaganaping preliminary competition.
Nang makarating kay Michelle ang nasabing fake news, agad niya itong nilinaw sa pamamagitan ng kanyang social media accounts at sinabing maayos na maayos ang kalagayan niya sa El Salvador.
“Idk (I don’t know) where the rumor came from that I got into an accident but don’t believe it! We’re all good! (White heart at Philippine flag emojis),” sabi ni Michelle sa kanyang X (dating Twitter) post.
Sa ngayon, patuloy ang ginagawang paghahanda ni Michelle para sa magaganap na preliminary competition ng Miss Universe pageant this year at siyempre, para sa pinakaaabangang grand coronation night.
Marami ang nagsasabi na malakas ang feeling nila na maiuuwi ni Michelle ang titulo at korona dahil sa nakikita nilang confidence ng dalaga, idagdag pa ang napaka-positive niyang aura na nakikita ng mga netizens.
Magandang senyales raw para kay Michelle ang balitang nanguna siya sa “Voice of Change” segment na isang online poll ng pageant.
Dahil dito, todo ang pasasalamat ng Miss Universe Philippines organization sa suportang natatanggap ni Michelle sa naturang botohan.
“Salamat, Pilipinas! Thank you to all the supporters, pageant fans, bloggers, FB groups, queens, talents, influencers, and general public who have been continuously helping.
“Through Bayanihan, we have achieved the top spot for Miss Universe Philippines Michelle Marquez Dee in the Voice for Change category,” ang nakasaad sa post ng organisasyon sa Instagram.