Iniulat ng mga otoridad sa Cabanglasan, Bukidnon na nasawi ang isang mag-asawa pati na ang apat na taong gulang nilang anak na babae nang sumalpok sa pick-up truck ang sinasakyan nilang motorsiklo na nagliyab pa.
Kinilala ang mga biktima na sina Nathaniel Montellano, rider ng motorsiklo, ang asawa niyang si Verlinda, at anak nilang Lexine. Malubha rin nasugatan ang kanilang pamangkin na si John Paul Agsula.
Base sa paunang imbestigasyon, nangyari ang trahediya sa pakurbang bahagi ng national highway sa Barangay Capinonan noong Sabado ng umaga.
Ang pick-up truck na minamaneho ni Charlou Camaso, ang nawala umano sa linya ng kalsada kaya nakasalpukan nito ang motorsiklo.
Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang mga biktima at nagliyab pa ang motorsiklo.
“Considering kana apil kana sa atong investigation nga ginahimo sa atong kapulisan considering nga buntag pa kini sayo. Kana atong lantawon kung ngano naka-encroach kini siya sa linya sa katung sa gidaganan sa katong motorsiklo,” ayon kay Police Regional Office-10 Spokesperson, Police Major Joann Navarro.
Sumuko naman sa mga otoridad si Camaso na posibleng maharap sa mga reklamong reckless imprudence resulting in multiple homicide and serious physical injury.