Kinasuhan ng Department of Justice ng kasong kriminal sa korte sa Surigao laban sa mga miyembro ng Soccoro Bayanihan Service Inc. at ayon kay DoJ Secretary Jesus Crispin Remulla, ang mga kasong isinampa ay kinabibilangan ng Qualified Trafficking in Persons, Facilitation of Child Marriage, Solemnization of Child Marriage at Child abuse.
Ang mga kaso ay isinampa laban kay Jey Rence Quilario alyas “Senior Agila” at 12 iba pa.
Ayon kay Remulla, sa kabuuan ay mayroong 21 kaso ang inihain nila kung saan ayon pa sa kalihim na ito ay simula lamang dahil marami pang mga anggulo silang tinitignan at dagdag niya, lahat ng mga sinampahan ng kaso ay mula sa Sito Kapihan, Socorro, Surigao del Norte kabilang na si Senior Agila.
Paglilinaw pa ng kalihim, ang pagsampa ng kaso sa lokal na korte ay temporaryo lamang dahil sa nakatakdang ilipat ang prosecutiions sa Metro Manila o sa ibang mga lugar.
Kung matatandaan, naisumite na ng National Bureau of Investigation ang ilang karagdagang ebidensya na may kaugnayan sa mga isyu na ibinabato laban sa Socorro Bayanihan Service Inc.
Bukod dito ay naghain narin ang ahensya ng Precautionary Hold Departure Order laban sa leader ng umano’y kulto na si Quilario at ilang miyembro nito.
Pinagtibay naman ng National Bureau of Investigation ang naunang imbestigasyon na ginawa ng Commission on Human Rights.