SA pang-ilang beses na pagkakataon, muling pinarangalan at kinilala ang world-acclaimed Filipino director na si Direk Brillante Mendoza sa Amerika.
Kamakailan lang ay ginawaran si Direk Brillante ng Excellence in Cinema award sa kakatapos na FilAm Creative Film Festival 2023, ginanap nitong November 3-5, sa Los Angeles, California, USA.
Ang FACFF ay produced ng FilAm Creative, isang non-profit organization na 13 years nang sumusuporta sa mga Filipino American artists. Katuwang nito ang ABS-CBN, MYX and The Filipino Channel bilang official global media partners.
Ang tatlong araw na film festival ay nag-red carpet opening noong Biyernes, November 3, co-hosted by Occidental College Media Arts and Culture and Oxy Arts and presented by Dean Devlin’s Electric Entertainment, mga organisasyon sa Los Angeles.
Ayon sa filmfest organizers, si Direk Brillante raw ang “Philippines’ most decorated award-winning filmmaker of all time,” and “his presence added prestige to FilAm Creative Film Festival 2023.”
Masayang-masaya ang multi-awarded director sa panibaong karangalang ito na ipinagkaloob sa kanya.
Aniya, ang parangal na ito ay patuloy na magiging inspirasyon para sa paglikha niya ng mga makabuluhang pelikula.
Mula noong 2010 nang ilunsad ang FilAm Creative, it has aimed to expand its diverse and high-quality programming sa pagdagdag ng Film Festival sa repertoire ng nasabing event.
This move reflects the organization’s unwavering commitment sa pag-empower ng Filipino-Americans sa larangan ng media and entertainment.
“Our organization’s vision is to provide educational and community-oriented programming, and we aim to encourage and create leaders who share their vision,” saad ng FilAm Creative Board of Directors representative na si Mr. Ed Mallilin.
Si Jennielyn Abrot, ang Head ng FACFF, ang siyang nangunguna sa pagsulong ng initiative na ito.
Si Direk Brillante ang kauna-unahang Filipino na nagwaging Best Director sa 62nd Cannes Film Festival para sa pelikula niyang “Kinatay” (2009). That same year, ang kanyang “Lola” ay nanalong Best Film sa 6th Dubai International Film Festival.
Noong 2012 ang kanyang “Captive” ay naitanghal in competition sa 62nd Berlin International Film Festival.
Ang kanyang “Thy Womb” (2012) ay lumaban rin sa 69th Venice International Film Festival. Ito rin ang nagpanalo sa kanya ng Achievement in Directing sa Asia Pacific Screen Awards.
Ang kanyang “Taklub” (2015) ay naitanghal sa Un Certain Regard section at the 2015 Cannes Film Festival.
Congratulations and cheers, Direk Brillante!