Kim Chiu is one generous soul. Imagine, nagbayad siya ng P105,000 para lang sa dinner nila ng It’s Showtime family niya habang nasa Hong Kong sila recently.
After ng kanilang dinner, ipinakita ni Kim ang bill nila sa camera na nagkakahalaga ng P105,000.
“Ipapa-frame ko po ito,” say ni Kim Maging si Vice Ganda ay napa-react sa laki ng binayaran ni Kim.
“Kino-compute ko ’yung binayaran mo kasi ang laki-laki. Para sa isang dinner, gumastos ka ng isangdaang libo, para kang nagpa-debut,” say ni Vice Ganda.
“Juliana ito ang tissue para sa iyo, para sa iluluha mo sa binayaran mong P100,000. Para ka nang nagpa-debut ng pamangkin,” dagdag pa ni Vice Ganda.
“Pagkain naman ‘yun. Okay na ‘yun,” say ng bida ng Linlang.
“Alis na po kami. Diyan po kami nag-dinner. Nabutasan po tayo ng P100,000. Okay naman sila,” say ni Kim.
In the end, sa last voice over ni Kim ay ito ang kanyang sinabi patungkol sa pagmamahal nila sa It’s Showtime: “As the saying goes, family is not defined only by its last names or by blood. It is defined by commitment and by love. It’s means showing up when needed most. It means having each other’s back. It means choosing to love each other. Even on those days when you struggle to like each other. It means never giving up on each other.”
Samantala, nagsimula na ang Magpasikat segment sa It’s Showtime kahapon kung saan bumandera ang Team Vhong nina Vhong Navarro, Jugs Jugueta at Teddy Corpuz. Nagbigay-pugay sila sa tatlong pinakamahuhusay na komedyante na sina Dolphy, Babalu at Redford White.
***
Affected much ang fans nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati dahil wala na silang recent photo together.
Nasanay na kasi ang fans na palaging may IG posts ang dalawa na magkasama kaya naman they were saddened dahil wala na nga silang photo together. Hindi rin nakatulong ang chikang hiwalay na ang dalawea at may matinding pinagdadaanan.
Sa kanyang latest IG post, Sarah showed photos and videos kasama ang kanyang mother at ang kanyang mga anak habang nasa beach sa Bicol.
Of course, may mga nangahas magtanong kung nasaan si Richard. Ang daming nag-react na fans. Sadly, walang tugon si Sarah sa sandamakmak na tanong sa kanya.
“Bakit po lagi nlang kayo tatlo wala na sa pic si chard.”
“Wag nalang kayo madami tanong guys.. let them.. baka gusto lang nila maging lowkey hndi naman deleted lahat photos nila together.”
“true, nabasa ko sa twitter parang dahil sa management ata sa upcoming project ni guy pero I’m not suree.
“I hope everything is okay sa inyo ni richard!!!”
“Every couple has this downtime of their relationship, This too shall pass.”
“Ano ba yan. Nag aaway lang pinaghhwalay niyo agad! Let them fix this privately.”
“Baka busy lang si chard at di magtugma sched nila, so sila muna ng mga kids.”
“Praying for you and your family. We love you Sarah. Just remember, you are loved.”
“Ang ganda ganda ng pic pero ang dami daming negatron. Why not hayaan nyo silang mag enjoy magiina. Quality time nila wag kayong masyadong mashowbiz.”
“Just saw this on my thread and I love it. Only to find comments about her marriage.. To be honest the photos and videos she posts seemed to be from one trip, posted days or weeks apart. Maybe that one trip her hubby wasn’t able to go.. I find it weird they have that issue from people speculating things just because she’s posting photos and vids with her family and her hubby is nowhere in the clips.. for all we know it’s one trip and Richard was not in that one trip.”
‘Yan ang mga hanash ng fans nina Richard at Sarah.