Mayroon na umanong petsa kung kailan ipalalabas sa mga sinehan sa Pilipinas ang Hollywood film ni Liza Soberano na pinamagatang “Lisa Frankenstein.”
Mukhang mapapaaga ang Valentine’s Day celebration ng fans, dahil ayon sa inilabas na pahayag ng Universal Pictures, mapapanood ito next year sa mga lokal na sinehan sa February 7.
Kasabay ng anunsyo, inilabas na rin ang official trailer ng Hollywood film kung saan tampok ang eksena ni Liza.
Ang “Lisa Frankenstein” ay umiikot sa isang teenager na pinagbibidahan ni Kathryn Newton na umibig sa isang gwapong bangkay na gagampanan naman ni Cole Sprouse.