Aminado ang aktres na si Anji Salvacion na marami na siyang nababasang mga negative comments mula sa mga bashers matapos siyang magtrending dahil marami umano ang hindi natutuwa sa ipinapakita niyang performance sa “Linlang,” ang seryeng pinagbibidahan nina Kim Chiu, Maricel Soriano, JM de Guzman at Paulo Avelino.
Pero ayon naman sa dalaga, binabasa niya ang mga komento pagdating sa kanyang acting performance upang malaman kung ano pa ang kailangang niyang ma-improve sa kanyang acting skills.
“I’ve read comments, and yes, I’m taking them seriously, especially the constructive ones, because I know they would really help improve my craft,” sagot ni Anji. “I see myself as a work in progress, which is why I welcome comments on my acting, and I believe that learning is a continuous process.”
Iginiit niyang hindi niya pinapatulan ang mga epal na bashers at ang mas binibigyang-pansin niya ay ‘yung mga komento na talagang makakatulong sa kanya.
“Some comments were just making fun of me, and they weren’t helpful anyway,” sabi ng dalaga. “Reading their messages will break you if you don’t know how to deal with them, kasi kung iisipin mo itong mga taong nanglalait sa akin, I don’t think they can act well either.”
“That’s why it’s better to ignore them and focus on the helpful comments, and I want to emphasize once again that I am open to comments that I believe will help me improve my acting skills,” dagdag niya.
Inamin din ni Anji na hindi madali ang pagsabak niya sa “Linlang,” lalo’t kasama niya ang ilang bigating mga artista.
“Yes, I was shocked by the intensity of every scene and deeply affected by it,” sabi ni Anji. “It took me a while to adjust. This is the very first teleserye I’ve done, and it’s a heavy drama.”
“I would say that I had a difficult time adjusting, but with the help of my co-actors and directors, I was able to give my best,” dagdag niya.