Ibinida at ipinagmalaki ang iba’t ibang katutubong sayaw ng Pilipinas sa harap ng lokal at banyagang bisita sa gitna ng selebrasyon ng ika-25 anibersaryo ng Filipino Chaplaincy of Turin.
“Sabi nga sa aming tema, kami’y pilak na ngayon at nangangarap na maging ginto sa takdang panahon. Ito’y sa tulong na rin ng Diyos at sa tulong ng mga miyembro ng Filipino Chaplaincy of Turin, kami po’y umaasa na kami’y magiging ginto sa takdang panahon,” sabi ni Fr. Charles Manlangit, Filipino Chaplaincy of Turin.
Ibinahagi ng ilang Pinoy ang hindi malilimutang karanasan sa paglilingkod sa Simbahan. Mula 1998 nagtatrabaho na si Salve Teves sa Filipino Chaplaincy of Turin, nagsimula siya sa pag-aayos sa altar at pagtulong sa mga naghahanap ng trabaho.
“Nagpapasalamat ako na naging 25th na akong nagserbisyo dito sa Filipino Chaplaincy at napaganda ang naranasan ko dito at hanggang ngayon ay nandito pa rin,” sabi ni Salve Teves, naglilingkod sa Filipino Chaplaincy of Turin.
Walong taong gulang pa lang naglingkod na sa Simbahan si na isang katekista at collaborator sa Filipino Chaplaincy of Turin.
“Ang pamilya ko po ay isa mga nagsimula ng Filipino Chaplaincy way back September 1998. I was 8 years old pa lang po noon. Dito na po kami nagsimula, mula noon hanggang ngayon sa awa ng Diyos, still active, still serving the Filipino people”, sabi ni Gian Echano, katekista.