Naibalik na sa puwesto si Atty. Teofilo Guadiz III bilang chairman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board matapos itong masuspinde nitong nakaraang buwan.
Kinumpirma ito ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang pagbabalik ng dating chairman bilang utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Kung matatandaan, sinibak sa puwesto si Guadiz nitong Octobre ni Pangulong Marcos matapos maidawit ang pangalan nito sa alegasyon na kurapsyon sa ahensya.
Naunang isiniwalat ng kanyang dating executive assistant na si Jeffrey Tumbado sa isang press conference na tumatanggap umano si Guadiz ng pera at iniabot sa DOTR at Malacanang.
Magpapatuloy naman bilang officer-in-charge chairperson si Mercy Leynes at nakatakda din ang pagbabalik sa serbisyo ni Guadiz sa November 6.