Umabot sa 132 ang namatay matapos lumindol sa Nepal kahapon.
Natumbok ang episentro ng lindol na may lakas na 5.6 magnitude sa bayan ng Jumla sa malayong kanlurang bahagi ng bansa.
Siyamnapu’t dalawang tao ang namatay sa bayan ng Jajarkot at 40 naman sa Rukum, ayon sa tagapagsalita ng home ministry na si Narayan Prasad Bhattarai.
Mahigit 100 naman ang nasaktan, ayon sa tagapagsalit ng pulis, Kuber Kathayat
Sa mga video at litrato ng epekto ng lindol na kumakalat sa social media, makikita ang mga resident roon na naghuhukay sa mga gumuhong bahay at lupa upang maghanap ng mga natabunang tao.
Ang mga bahay na gawa sa putik ay gumuho o nasira habang ang mga nakaligtas ay nasa labas upang maging ligkas sakaling lumindol muli.
Naramdaman ang lindol hanggang sa New Delhi, India, na 500 kilometro ang layo sa episentro.
Tumutulong sa pagsasaklolo at paghahanap ng mga nadaganan ng gumuhong gusali ang ibang kawani ng security forces.
Sagabal sa rescue ang mga naharangan at nasirang mga daan.
Ang lokal na ospital ay puno na ng mga residenteng nasagutan o nasaktan sa lindol.