Inulan ng batikos ang foreign minister ng Croatia nang tangkain niyang halikan sa pisngi ang ministro ng ugnayang panlabas ng Germany na nakaiwas rito sa Berlin.
Umalma ang mga nakapanood sa video ni Gordan Grlic Radman na akmang hahalikan si Annalena Baerbock habang kinakamayan ang babae sa isang komperensya ng European Union sa Germany nitong Huwebes.
Iniwasan ni Baerbock na mahalikan.
Sumunod na rito ang pagbatikos ng mga grupong pemenista kay Radman na ipinagkibit balikat lamang ang pamumuna ng kanyang ginawa.
“I don’t know what the problem was… We always greet each other warmly. It is a warm human approach to a colleague,” pahayag ni Radman sa mga reporter matapos ang insidente.
Ayon sa kilalang aktibistang babae sa Croatia na si Rada Boric, hindi tama ang ginawa ni Radman at ang sinasabi niyang mainit na pagbati kay Baerbock at karapat-dapat lamang sa mga taong pinapayagan ang paghalik.
Sinabi ni Boric na walang ganoong relasyon ang dalawa kaya nagulat ang babaeng opisyal sa tangka niyang paghalik sa kanyang pisngi.
Sinabi naman ng dating punong ministro ng Croatia sa social media ng X na karahasan ang marahas na paghalik sa babae.