Aminado ang aktres na si Sanya Lopez na talagang humahanga siya sa aktor na si Joshua Garcia at sa isang panayam, sinabi ng dalaga na mas type niya sa ngayon si Joshua kaysa sa aktor na si Alden Richards.
Sa kanyang guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda”, sumalang ang aktres sa bagong segment ng show na “Pick and Talk” kung saan papipiliin siya sa dalawang male celebrities na ipapalabas sa LED screen at ibabahagi niya ang rason kung bakit ito ang kanyang napili.
At ang unang lumitaw sa screen na pagpipilian ni Sanya ay ang Kapuso actor na si Alden Richards at Kapmilya actor na si Joshua Garcia.
Tila nahirapan naman ang dalagang oumili sa dalawa.
“Piliin ko muna si Joshia Garcia,” saad ni Sanya. “Kasi si Joshua parang noong una ko siyang nakita sa ‘Unbreak My Heart’ nila. Sa isang mall, very genuine and parang kinausap niya ako. Parang kasama niya ‘yung mga relatives niya na pwede [daw] bang magpa-picture. ‘Yung lumapit sa akin para sabihin niya sa akin na puwede pong magpa-picture ‘yung family ko. Sabi ko, oo naman ‘no.”
Dagdag pa ni Sanya, parang siya pa nga ang nahiya sa binata.
“So ‘yung pa lang parang feeling ko, magiging okay kami ‘pag magkasama. Parang wala kaming dull moments,” sabi ni Sanya.
Nagkaroon pa raw sila ng small talk ni Joshua kung saan nag-congratulate ang dalaga dahil sa ganda ng “Unbreak My Heart” at pinasalamatan naman siya ng binata.