Malaman ang hugot ni Andrea Brillantes nang umapir siya sa isang Halloween party recently.
Kasi naman, her snake props caught the attention of the attendees, talagang pumukaw ng pansin ang ahas na nakapalibot sa kanyang katawan.
Mas lalo pang naging controversial ang bida sa Senior High nang matanong siya kung hindi ba siya natatakot sa ahas. Kasi naman, napapulupot sa kanya ang isang yellow snake.
“No naman kasi kapag mas kinabahan ako, mararamdaman niya ‘yun,” malaman na sabi ni Andrea.
“Tsaka ba’t pa ako matatakot? May mga kilala naman akong ganito. Char! Char ko lang,” dagdag pa niya, na lalong nagpainit ng intriga.
Actually, gusto ni Andrea na mag-alaga ng ahas kasi hindi niya ma-take na pakainin ito ng buhay na daga.
“Gusto ko talagang mag-alaga ng snake kaya lang ayoko kasing mag-feed ng rat. Kawawa naman,” say ni Andrea.
Sino kaya ang kakilala ni Andrea na ahas? Your guess is as good as mine.
‘Yun lang.
Anyway, slightly ay na-bash si Andrea sa kanyang hanash na umapir sa isang Facebook entertainment page.
“paano yan matakot sa ahas,kumakain din yata nang ahas yan,” say ng isang basher.
“Bakit ba galit na galit sya, eh naka-laplapan nya naman dati. Nag-enjoy naman sya,” susog naman ng isa pang basher.
Meron naming nagtanggol kay Andrea who said, “Kahit saan may mga ahas Hindi Lang sa bundok naka tira ang ahas.”
“Ako Rin me Kilalang ganyan maiitim Ang ulo,” say ng isa pang fan ni Andrea.
***
Um-attend si Anne Curtis sa isang Halloween party ng mga celebrity. Siyempre pa, hindi nagpakabog ang It’s Showtime host.
Isang white dress na very sexy at almost see through ang suot ni Anne na nagpakinang ng kanyang kaseksihan. Wet look pa ang drama ng outfit niya at ng over-all look niya kaya naming dyosang-dyosa ang kanyang dating.
“Look for the light within you. Let it surge like a river through your veins. Use it to will your dreams into existence. -@langleav “Goddess”
“Had so much fun at my first @the_opulence_ball congrats @mond @ash_rye.”
‘Yan ang caption ni Anne sa kanyang IG post.
Of course, lahat ay tila nagimbal sa kanyang kaseksihan. Todo puri sila sa It’s Showtime host. Walang nam-bash, ha.
“Pag may event at andun ka, di talaga pwedeng di ka pag-uusapan. Such a show stealer and crowd favorite! And you do it so effortlessly! Your charm is really unmatched!”
“Bow down to The one, the only Goddess of her generation!!! Perfect in all aspect.”
“Favorite! Simple, elegant and classy.”
“I thought it was @kyliejenner dressed as Anne.”
“NO BIAS BUT LOOK AT HER!!!! AAAHHH ALWAYS SERVING. I WILL NEVER EVER GET OVER WITH THIS LOOK!!!!!! ALL HAIL OUR REAL-LIFE GODDESS.”
***
Puring-puri ng mga director na sina FM Reyes at Jojo Saguin si Paulo Avelino sa Linlang.
Kasi naman, matinding adjustment ang ginawa ni Paulo para sa kanyang Victor character sa show. Nag-exercise siya para pumayat ng konti para sa role niya bilang boksingero. And there was a time naman na nagpataba siya nang konti dahil nag-seaman siya.
“Siguro isang sacrifice talaga ‘yung pagtanggap ng ibang proyekto dahil sa look ko. Ayun nga, nagtataka ang mga ibang tao na parang nagpabaya daw ako. It is all for Linlang. ‘Yung dedication ko na ibinigay sa proyektong ito, ibinigay ko talaga. Hindi ako tumanggap ng ibang proyekto para matutukan ko ito, at the same time ang dami ko ring disiplina na in-instill sa sarili ko para ma-achieve ‘yung sa tingin ko ay makakatulong sa show in some way in terms of believability,” say ni Paulo.
“Five months akong nag-gain ng weight,” say ni Paulo.
“Gusto niya opne month para magpapayat siya. Sabi ko, “Pau, walang susuwelduhin ‘yung mga staff at crew. Puwede bang habang ginagawa natin ‘yung project, magpa-trim ka na. Sabi niya, ‘o sige, 9 a.m. ang call time ko. ‘Wag akong aagahan ang call time para in the morning magwo-workout ako,” chika ni Eric Salud na involved sa show.