Worth it ang sunud-sunod na pagsampal ni Maricel Soriano kay Kim Chiu sa Linlang.
“Binigyan niya ako ng limang Louboutin shoes,” say ni Kim sa thanksgiving mediacon ng Linlang. Si Christian Louboutin lang naman ang isa sa pinakamahal na shoemaker sa buong mundo.
“Noong una, parang nako-conscious ako. Lagi kasing napapag-usapan na ‘naku, ayan si Inay, ‘pag sinampal na niyan baka bumaliktad ang ulo mo.’ ‘yung mga ganoong pananakot. Ayaw kong matakot si Kim kasi siyempre first time noong bata, ‘di ba? Kaya sabi ko, ‘wag nga kayong magsalita ng ganyan baka matakot ang bata.’ Tuloy, nagdala ako ng sapatos sa set,” say ni Maricel.
Of late, kinamumuhian ang Juliana character ni Kim dahil tinuhog nito ang magkapatid na sina Alex (JM de Guzman) at Victor (Paolo Avelino).
Ano ang good and bad side ng kanyang character?
“May good naman. Si Juliana naman ay isang mabuting ina. Gagawin niya talaga lahat para sa anak niya. Nagsasakripisyo siya para sa anak niya.
“Ang hindi lang maganda sa kanya is hindi lang siya magaling gumawa ng desisyon at diskarte sa buhay. ‘Yun lang talaga ‘yung mali sa kanya. Pero ang desisyon at diskarte, ang undertone niya roon ay pagmamahal. So, parang nagawa niiya siguro ‘yun dahil may mga bagay na hindi siyia makuntento. Hindi siya marunong magdesisyon at hindi siya marunong makuntento sa buhay pero mabuti siyang nanay,” say ni Kim.
Ano ang better understanding niya kay Juliana?
“Sa character ni Juliana, siguro matuto kang maghintay. Habaan mo ‘yung pasensiya mo hangga’t maaari at ‘wag magpadalos-dalos sa desisyon at saka sabi ko nga, patience is the key, communication is the key. Ganoon naman ‘yun sa isang relasyon, eh. Kailangang pag-usapan, kailangan ng pasensiya. Iyon ang hindi niya nagawa at pinagsisihan niya sa huli,” say ni Kim.
***
Tila nagsabong ang fans nina Belle Mariano at Andrea Brillantes nang umapir sa isang Instagram page ang photo ng dalawa, si Belle na naka-Darna costume at si Andrea na naka-Valentina costume.
Nagtalo-talo ang fans dahil kanya-kanya silang pagtatanggol sa kanilang idolo. Sa comment section, pinutakti ng komento ang post na iyon ng fans nina Belle ng Can’t Buy Me Love at Andrea ng Senior High.
“Ang Ganda ni belle bagay talaga lahat sa kaniya at yong Mukha niya talga pwede siya sa international sigurado makukuha to bilang artista don kahit maging model omg bagay at bagay din siya sa Kdrama yong height niya at cute Ng Mukha,” say ng isang fan ni Belle.
“Andrea slayed this costume kahit ano naman ipasoot sakanya kayang kaya nya dalhin and realtalk lang mas bagay sakanya darna coz she got the body na pleasing for darna role which is wala kay belle,” sagot naman ng fan ni Andrea.
“No!!! Hindi lang pang villain si Andrea sorry pang BIDA sya… If that will be the case baka maulit yung darna ni jane and janella which is nilamon ni valentina si darna,” dagdag namang depensa ng fan ni andrea.
“Ganda ni Belle.. sobrang expensive ng beauty. Bagay na bagay costume niya na Darna. Plus maamo pa mukha niya and has a sweet voice. Bagay sila ni Captain Barbell Donny,” say naman ng isang maka-DonBelle.
“Andrea slayed this costume kahit ano naman ipasoot sakanya kayang kaya nya dalhin and realtalk lang mas bagay sakanya darna coz she got the body na pleasing for darna role which is wala kay belle,” comment ng isa pang maka-Andrea.
“No hanggang custome lng c belle di pwede drna kulang pa sa acting ms bgay pa ky Gen Z Queen blythe from face body perfect tas mgaling pa sa acting bida or kontrabida mga ksabayan nya now litaw na litaw gnda at gling ni blythe the next ate Queen Juday pro no 2 darna tma na ung last,” dagdag pa ng isang maka-Andrea.
“Dyesebel for Blythe and Darna for Belle!” tili naman ng isang faney.
***
Pasabog at pinag-usapan sa social media ang pagbabalik ng “It’s Showtime” sa panibago nitong timeslot na 11:30 a.m. tuwing Lunes hanggang Biyernes handog ang kanilang trending segments na “It’s Showdown” at “Funanghalian” nitong Lunes (Oktubre 30).
Masaya nga ang netizens na nagbalik muli ang programa sa pagbibida ng galing sa pagsasayaw ng mga Pilipino sa “It’s Showdown” at ang kwelang biruan ng hosts sa “Funanghalian.”
Sa naturang segment, dalawang grupo ang maglalaban-laban sa dalawang rounds na Hatawan-on-one at Dance Showdown.
Sa unang round, pipili ng isang pambato ang bawat grupo at maghaharap ang mga ito sa Dance Arena samantala sa ikalawang round naman ay ipapamalas na nila ang kani-kanilang hinandang pyesa sa madlang people. Sa oras na magtie ang dalawang grupo, bubunot ang hosts ng tig-isang pangalan sa grupo na haharap sa isang solo showdown.
Hinirang naman bilang kauna-unahang grupong nanalo sa segment ang AMK Rock Nation matapos nilang makuha ang 4.2 points mula sa hurados na sina world champion coach at World of Dance country director Vimi Rivera, Star Magic head choreographer Mickey Perz at “ASAP’s” Queen of the Dancefloor Kim Chiu.
Samantala, ang “Funanghalian” naman ay isang masayang parlor game kung saan kailangan magtugma ang sagot ng hosts sa bawat category na ibigay sa kanila.