Inamin ng aktres na si Jennica Garcia na noong una ay hindi niya talagang plano na pumasok sa mundo ng showbiz pero nagbago daw ang isip niya.
Sa kanyang naging panayam kay Luis Manzano na mapapanood sa YouTube channel ni Luis, napag-usapan ng dalawa ang journey ng aktres mula sa pagiging aktres hanggang sa pagiging ina sa dalawang anak nila ni Alwyn Uytingco na sina Mori at Alessi.
Isa na nga sa naitanong ni Luis kay Jennica ay kung sino ang pangrap niyang makatrabahong artista at ang naging sagot nito ay si Jean Garcia na kanyang ina.
“Medyo imposible ata ngayon kasi magkaiba kami ng network pero siyempre, si mama,” sabi ni Jennica.
Bagamat nagkatrabaho na sila pero matagal na raw itong nangyari kaya nais niyang masundan kung may pagkakataon.
‘Yung napagtrabahuan kasi namin before kuya, together, sobrang tagal na. I think I was 18 years old at that time. Tapos hindi ako ganun ka-passionate about being an actor,” lahad ni Jennica.
Nagkatrabaho ang dalawa sa GMA drama series na “Ina, Kasusuklaman Ba Kita?” na ipinalabas noong 2010.
“‘Yung pag-aartista kasi Kuya, ginawa ko lang noong nalaman ko ‘yung sweldo,” sabi pa ni Jennica.
Kuwento ni Jennica, hindi niya talaga alam kung anong kukunin niyang kurso sa kolehiyo.
“Gusto ko sanang mag-Nursing pero ayaw ni Mama. Parang sabi ni Mama, ‘Anak kasi, mababa ang sweldo ng nurse’… at ayaw ni Mama ‘yung idea na lilipad ako kaya noong nalaman din ni Mama. Nung time na ‘yun, sabi ko, ‘Paano yan? Hindi ko alam kung anong course na gusto ko? Doon niya po sinabi sa akin na ‘O may offer ka na ganito. Mag-artista ka.’ Tapos tinatawanan ko lang Kuya kasi hindi ko ma-imagine na pwede akong mag-artista pero noong sinabi ni Mama ‘yung sweldo, ‘Ahh, pwede kong i-try’,” kuwento ni Jennica.