Isang bagong survey ng Social Weather Stations ang nagsabi na halos kalahati o 48 percent ng mga Pilipino ang kumukunsidera sa kanilang mga sarili bilang mahirap sa third quarter ng 2023.
Ito ay tumaas mula sa 12.5 million noong June sa 13.2 million noong Setyembre, habang nasa 27 perecnt naman ang itinuturing ang kanilang sarili na nasa borderline o sa pagitan ng mahihirap at hindi mahihirap at 25 perecnt naman ang itinuturing ang kanilang sarili na hindi mahirap.
Ang mga self-rated poverty ay tumaas sa Mindanao mula sa 54 percent sa 71 percent habang nasa 1.8 million pamilyang Pilipino naman ang bagong mahihirap.
Samantala, inaasahang babagal sa 5.1 hanggang 5.9 perecnt ang inflation o ang antas ng pagtaas ng presyo base sa mga bilihin at serbisyo na kinukunsumo ng karaniwang pamilya ngayong Oktubre.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ito ay sa gitna na rin ng mas mataas na presyo ng kuryente , liquefied petroleum gas , mga prutas at isda.
Dagdag pa ng BSP, maaaring makaambag sa pagsipa ng inflation ang pansamantalang taas pasahe sa dyip.
Maaari din naman na manatiling mababa ang inflation kapag mas bumaba ang presyo ng mga produktong petrolyo.