Ilang mga overseas Filipino workers na umuwi galing Israel dahil sa kaluguhan doon ay nagreklamo sa mga kinauukulan dahil ang ilang mga bagahe nila ay nasira habang ang iba naman ay nawalan ng gamit.
Base sa paunang ulat, sinabing may mga OFW na nawalan ng mga sapatos, chocolates, susi at iba pang bagay habang may isang babae naman na nawawalan ng maleta.
Galing sa Tel Aviv, Israel ang mga OFW na nagkaroon ng stopover sa Abu Dhabi bago bumiyaheng pa-Manila.
Nangako naman ang Overseas Workers Welfare Administration na tutulungan ang mga OFW na maghain ng reklamo laban sa airline.