Ilang mga nitso sa Bagbag Public Cemetery sa Quezon City ang inalisan na ng mga laman matapos umanong mapaso ang kanilang lease sa mga naturang nitso.
Batay sa impormasyon, sinabing ang mga nakalibing sa apartment type na nitso sa pampublikong sementeryo ay karaniwang umaabot lang ng limang taon ang upa.
Pagkaraan nito, dapat mailipat na ang mga buto sa panibagong nitso na mas maliit at ang mga inalis na mga buto mula sa mga nitso, inilalagay sa isang lugar na tinatawag na “kumon” na natatakpan ng mga yero.
Paliwanag ng pamunuan ng Bagbag cemetery, nakalagay sa sako ang mga inalis na mga buto at kasama ang lapida para makuha ng pamilya kung nais na nilang ilipat.
Ang Philippine Mortuary Association, iminungkahi ang cremation na mas mababa ang gastos.
“May mga option na rin ang mga public LGUs na nagpo-provide ng libre, sometimes at a much more discounted rate,” saad ni Jordan Miranda ng Philippine Mortuary Association. “They don’t need a cemetery eh.”