Inamin ng Vivamax sexy actress na si Azi Acosta na minsan sa buhay niya ay naging tanga siya sa pag-ibig kaya hanggang ngayon ay single pa rin siya.
Ayon sa dalaga, naranasan na niyang maging tanga noong bata pa siya at nagsisimula pa lamang umibig.
“Totoo po ’yan. Naranasan ko po ’yan. Naging tanga din ako. Siyempre, bata po ako nu’n. [Nasa] junior high school po ako nu’n, Grade 10 po siguro,” sabi ni Azi.
That time daw kasi ay mas may oras pa ang naging boyfriend niya sa paglalaro ng mobile games kesa sa kanya.
“Nagkaroon po ako ng boyfriend tapos puro siya ML [Mobile Legends]. Ako, iniisip ko kapag mag-boyfriend and girlfriend, quality time, mga ganyan,” saad ng dalaga.
Ang ending, parang siya pa raw ang nakikiusap na isingit siya sa oras ng kanyang ex.
“Kaya parang mukhang ako ’yong naghabol. Siya ’yong unang nagkagusto sa akin pero ako ’yong naghabol,” sabi niya. “’Yong pangalawa naman na naging boyfriend ko ganu’n din. Ewan ko. Lapitin ako sa mga mahilig maglaro ng mobile games, mga walang time sa akin. Hahaha!”
“Sabi ko, ‘Oh my God! Ganito ba talaga?’ Kaya simula nu’n parang ayaw ko na talaga mag-boyfriend ulit. Parang na-trauma din ako [nang] slight,” dagdag niya.
Naitanim daw kasi sa isip niya na after niyang sagutin ang mga nanligaw sa kanya before ay hindi na nag-e-effort ang mga ito para mag-work ang kanilang relasyon.
“Kasi feeling ko sa una lang lahat magaling,” malalim na hugot niya.
Pero paglilinaw ng sexy-drama actress, hindi raw siya na-trauma dahil sa naisahan siya. Ang totoo niyan, hindi pa raw niya isinusuko ang “Bataan” sa kung sino man.
“Hindi po. Nag-promise po kasi ako sa mama ko na hindi muna ako magpapa-isa sa kahit kanino. Hahaha!” sabi ni Azi.
Sa ngayon ay wala pa raw sa plano niya ang pumasok sa isang relasyon. In fact, dedma raw siya sa mga lalaking nagpaparamdam sa kanya.