Ang mga BL aficionado, hindi lang tutok na tutok, kundi kilig na kilig sa mga kaganapan nina Tim at Poch, ang mga katauhang binibigyang buhay nina Zaijan Jaranilla at Miggy Jimenez sa pangmalakasang Gen Z drama, ang “Senior High”.
Ang kanilang hook, ang kasabihang “the more you hate, the more you love” dahil nga si Jimenez ay kasama sa mean teen group na kinabibilangan nina JK Labajo, Daniela Stranner at Elijah Canlas.
Ang kasintahan ni Tom, si Roxy, na buong kikay na binigbigyang buhay ni Xyriel Manabat, tila walang malay na may the tension is tensioning na nangyayari sa dalawang basketball players ng North Ford High School.
Ito rin naman kasing si Miggy, grabehan ang para-paraang galawan bilang si Poch para tuksuhin at buhayin ang kulay kambahing damdamin ng Tim ni Jaranilla.
Andiyang iniinis ito at ilalapit ang mukha na ambang hahalikan sa labi. Meron ring nasa loob ng shower room na lalabas na siyempre, hubad-baro at may pakili-kili reveal na kunyari hindi tinigtignan ni Tim ang buong kahubdan ni Poch. May ganap rin si Poch na binubuhusan ng mineral water ang pawisang katawan at pasimpleng natutulala si Tim, napalunok laway pa ito at may kung anong init na naramdaman. At yung concern ni Poch kay Tim habang naglalaro ito sa court, kasi nga may kalabang balak bardagulin ito. Ang nangyari, naging substitute player si Poch at iyun na nga, kinasahan ang kalabang maitim ang balak sa ka-team mate!
Sa totoo lang, ang galing-galing ni Zaijan sa eksena kasi kitang-kita mo sa mga mata niya bilang Tim ang pahanga sa Poch ni Jimenez na iniwas siya sa kapahamakan at sinuntok ang gustong manakit sa kanya.
Dapat palakpakan ang pool of writers ng “Senior High” dahil hindi pilit na pilit at mas lalong hindi minamadali ang kakaibang pagmamahalang sub-kwento nina Jaranilla at Miggy.
Malaking bagay kaya marami ang kinakabahan at kinikilig kina Tim at Poch, dahil nga talagang natural na natural at kay huhusay ng dalawang binatang aktor sa pagbibigay buhay at puso sa kanilang mga katauhan.
Ano pa nga kaya ang susunod na pangyayari kina Tim at Poch? May tamis ng unang halik moment kaya sila sa pinakamalapit na hinaharap? May mga damdaming nagmamarkulyo ba na sasambulat na ba at palalayain? Ipangangalandakan ba nila kung meron mang kaganapan o ililihim at ang paglilihim ay lalong magpapa-sidhi sa mga nararamdaman ng mga kalamnan? At paano na si Roxie?
Kakaibang tatsulok ng pagmamahalan na talaga namang kaabang-kaabang, hindi ba naman?
Palaban na character development para sa mga katauhan nina Zaijan Jaranilla at Miggy Jimenez. TimPoch shipping era at realness! Ang saya-saya, sa true lang!