Iniulat ng mga otoridad nitong Martes na namatay sa pamamaril ang team leader ng Iloilo City Special Weapons and Tactics na rumesponde sa buy-buy-operation na isinagawa ng mga awtoridad sa Barangay Concepcion nitong Linggo.
Kinilala ang nasawing SWAT leader na si Police Staff Sergeant Michael Malan, na itinuturing isang bayani.
Hindi naman nagtagal at naaresto rin ang suspek na kinilalang si Glen Yturiaga at live-in partner nito, at isa pang suspek at nakuha sa kanila ang mga shabu na aabot umano sa mahigit P6 milyon ang halaga.
Sa pahayag na inilabas ng Iloilo City Police Office, sinabi ni City Police Director Coronel Joeresty Coronica, rumesponde ang grupo ni Malan matapos na humingi ng suporta ang mga awtoridad nang magtago sa silid ang suspek sa buy-bust at nagpaputok ng baril.
“SWAT team was dispatched at the area, to neutralize the danger posted by the suspect, being armed and dangerous. PSSg Malan entered the room where the suspect is hiding but, he was shot hitting on his chest. The said Police officer was rushed to Iloilo St Paul’s for immediate medical intervention but, later declared dead,” saad ng pahayag.
Idinagdag nito na nasa 1,156 grams ng shabu ang nakuha sa mga suspek na aabot sa P7.8 milyon ang halaga.
“His heroism will always be remembered as a public servant and his death will not go to vain,” ayon sa pahayag patungkol kay Malan.
Nagpaabot din ng pakikiramay si Iloilo City Mayor Jerry Treñas sa pamilya ni Malan, at maging sa kapulisan ng lungsod.