Naglabas ng babala nitong Martes ang Philippine Coast Guard kaugnay sa umano’y mga pro-China narratives na ipinapakalat ng ilang mga grupo upang malihis ang atensiyon mula sa agresibong hakbang ng China sa West Philippine Sea.
Sinabi ni PCG spokesperson for the West PH Sea Jay Tarriela na nasa tatlong claims, argumento at mga akusasyon ang giangamit ng mga indibidwal na naghahyag na pro-Filipino habang isinusulong ang narratives ng China at sinasalungat ang factual reports mula sa mga otoridad ng Pilipinas.
Dagdag pa niya, ang unang claim ay ang pagsasalita laban sa aggression ng China sa WPS ay maguudyok sa atin sa giyera.
Subalit ayon sa PCG official, ang pag-expose sa aggression ng China ay hindi naguudyok ng giyera.
Sinabi rin niya na sa pamamagitan ng pagpapaalam sa mga political leaders at mamamayang Pilipino sa mga paglabag ng China sa international law ay mapoprotektaan natin ang ating bansa mula sa political manipulation at disinformation.
Ang ikalawang argumento naman ay gumamit ng mga indibidwal na pro-China ay nagsabi na ang transparency o pagbubulgar ng Pilipinas sa pagiging agresibo ng China sa WPS ay impluwensiya lamang ng Estados Unidos.
Ayon naman kay Tarriela, ang transparency efforts ng gobyerno ng Pilipinas ay bunsod ng ating sariling pambansang interes, ito ay ang proteksyunan ang maritime rights ng ating bansa.
Panghuli, sinabi ni Tarriela na inaakusahan ng mga makapro-china ang mga kritiko bilang anti-Filipino at pro-US.
Ayon sa PCG spokesman, ang mga eksperto at opisyal ng pamahalaan na kritiko sa mga ginagawang aksiyon ng China sa WPS ay bunsod ng kanilang dedikasyon para sa bansa.
Nagmumula din aniya ang kanilang mga argumento sa international law gaya ng UN Convention on the Law of the Sea, and the Philippine Constitution para depensahan ang ating pambansang interes.
Una ng sinabi ng National security Council na kanilang minomonitor ang mga influencer at organisasyon sa ating bansa na naghahayag ng mga sentimiyento ng China pahinggil sa usapin sa WPS.