Sa kabila nang pagkabigo niyang makopo ang titulong Miss Grand International, aminado ang Filipino-Brazilian beauty queen na si Nikki de Moura na dismayado umano siya sa naging resulta pero nagpapasalamat pa rin siya sa lahat ng sumuporta sa kanya.
Sa kanyang IG, ibinahagi ng dalaga ang kanyang disappointment sa pageant na ginanap Ho Chi Minh City sa Vietnam.
“I poured my heart and soul into representing Philippines and my heart aches with disappointment,” sabi ni Nikki. “But even in the face of this heartache, I choose gratitude. Life is a journey filled with ups and downs, and I’m determined to make the most of every moment.”
Hindi umano ang pagkabigo niya sa Miss Grand International ang magpapahinto sa kanya para abutin ang iba pa niyang mga pangarap. Patuloy daw siyang magsisikap.
“I understand I may still be young, I will continue to work hard, learn, and grow, because I believe that disappointment is only a stepping stone to future success,” diin ng 19-year-old beauty queen from Cagayan de Oro.
“This is not the end…. just the start of something greater, and I’m excited to see where life’s adventures will take me. Now, I stand before you, not as a part of the top 20, but as someone who gave her all [Philippine flag and flexed byceps emojis] #missgrandinternational2023.”
Pinasalamatan din niya ang kanyang taga-suporta, ang kanyang team, at ang Miss Grand Philippines Organization under Arnold Vegafria.
Hindi man daw niya naiuwi ang kauna-unahan sanang Miss Grand International crown ng bansa, proud naman umano siyang naging kinatawan ng Pilipinas sa international pageant stage.
“I may not have claimed the crown, but I carry the honor of representing the Philippines with pride and gratitude in my heart,” saad ng dalaga.