Inihayag ni dating United States Vice President Mike Pence na hindi na niya itutuloy ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo para sa US 2024 Presidential elections.
Inanunsyo ito ni Pence sa Las Vegas at ayon sa kanya, isang matinding labanan ang nasabing halalan kaya hindi ito nagsisi na umatras.
Si Pence ang unang pangunahing kandidato ng Republicans na umatras na sa kampanya kung saan makakatunggali sana nito ang kapartido na si dating US President Donald Trump.
Sa mga nagdaang mga surveys kasi sa US ay hirap makakuha si Trump ng mga boto.
Hindi nakakuha ng suporta rin ang 64-anyos na si Pence sa kapwa Republicans ng kumalas ito kay dating President Trump dahil sa Enero 6, 2021 Capitol riot.