Inihayag ng Commission on Elections na iimbestigahan nito ang ang isang gobernador at 13 alkalde sa Luzon na umano’y nagsasagawa ng vote buying sa gitna ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Sinabi ni Comelec chairperson George Garcia, namamahagi umano ito ng pera sa kanilang mga bahay, na ang ilan ay mula sa kanilang mga bulsa at nakatanggap rin ang poll body ng maraming ulat ng diumano’y pagbili ng boto ngunit kalaunan ay nakumpirma na hindi totoo.
Iginiit ni Garcia na ang Omnibus Election Code ay nagsasaad na ang pagbili ng boto ay nagsasangkot ng pagbibigay ng pera o anumang bagay na may halaga, pangako sa anumang opisina o trabaho, at iba pang mga alok na bumoto ang sinuman para o laban sa sinumang kandidato o pigilan ang kanyang boto.
Una nang binigyang diin ng poll body na ang proklamasyon ng mga nanalong kandidato ay sususpindihin kung mayroon silang disqualification cases tulad ng vote buying at early campaigning.