Ay! Parang dapat kabahan ang Kamuning Drama Princess Barbie Forteza kay Miss Universe Philippines Thank You Girl Celeste Cortesi dahil nga pangmalakasang para-paraan galawan ang babaing sakdal ganda.
3.5 million na ang nanonood at kada minuto ay nadagdagan ang TikTok video ni Cortesi na kasama ay ang tinakguriang dekano ng anti-selos paaralan, si Jak Roberto! Juice colored! Bagay na bagay ang dalawan, itsurang mga buhay na mga katauhan nina Maganda at Malakas, sa totoo lang.
Ang pangkat katkatera nga, ang reaksyon” “Hindi inaasahan si Queen Celeste na makitang kasama si Jak sa isang frame. At bagay sila, sa totoo lang. Ang chemistry, ang lakas!”
Sa team talakera naman, ang talak: “Susmaryosep! Revenge era na talaga si Jak Roberto. Hoy, Barbie Forteza! Tatablahin ka ni Jak. Diyan ka na lang kay David Licauco na sa kasamaang palad, nahawa ka na yata sa kabanuan sa pag-arte.”
“Naku mga taga-Kamuning, BarDa is so out! CelJak is the new it couple! Sugalan na ang dalawang iyan, Hindi lang pang-Kamuning, pang-Vivamax pa!” Iyan naman ang saloobin ng pulutong ng mga barakong totoo.
Naku, naku, naku, ngayong tatlong milyong mahigit ang nagsasabi na hindi lang tao, kundi bagay na bagay si binibining Cortesi at ginoong Roberto, ang mga nanalig at suportado ang romansahang Barbara at Jan Rommel, ikalat kaya nila ang mga chikang buhay kung bakit kahit may dakilang ganda itong si Celeste ay ligwak sa Miss U?
Alam sa pageant circuit na eksaherada daw ang kumpiyansa nitong si Cortesi. Dahil alam nniyang maganda talaga siya at kudaerang totoo, hindi nito alam ang mga salitang amiable at congenial. Walang panahong masungkit ang Miss Friendship title at talagang hinayaang let her beauty do the talking.
Ang isa pa, diumano ugali nitong pag-antayin ang lahat. Ang dramarama daw sa pinakamalaking timpalak kagandahan, laging dapat best in grand entrance at dahil nga sa pakiwari niya ang pinaka-magandang babae sa buong sansinukob eh dapat lagi siyang inaantay at talagang dapat siyang antayin.
Well, kahit pa ilabas yan ng mga team Barbara, water under the bridge na ang mga iyan at kuwentong pinagpasa-pasahan ng mga inggiterang totoo.
Kung saka-sakali mang mararahuyo si Roberto kay Cortesi, tunay at walang halong pagpapanggap na mahulog ito sa dalagang may dugong Italyna, hindi dapat sisihin ang binatang makisig. Malaking pagtitimpi, pagtitiis at sakripisyo ang ginagawa nito dahil nga halata namang pinapaboran ang tambalan nina Barbie at David Licauco. Karma is real naman ang kaganapan sa “Maging Sino Ka Man” kasi nga maliban sa hindi kalakasan ito sa ratings, magtatapos na ito kaagad-agad, at tumambad ang katotohanan na kulang na kulang pa sa kaalaman ang tinaguriang pambansang ginoo sa pag-arte.
May mga pumupuna rin kay Forteza na bread at career trip niya ang BarDa kaya kitang-kita na wala kakwenta-kwenta ang kanyang pagbibigay puso at katotohanan sa katauhan niya na dating ginampanan ni Megastar Sharon Cuneta.
Kung saka-sakaling may kasunod pang collaborations sina Celeste Cortesi at Jak Roberto sa TikTok o sa iba pang social media platforms o kaya ay sa isang palatauntunang pang-telebisyon o pelikulang kapwa sila palaban sa cinematic romansahan, palakpakan na may kasamang sigawan para sa dalawa. May bagong tambalang kaabang-abang na pasok sa banga na mature at sexy content ang tema.
Kaya Celeste Cortesi, agawin mo na ang lahat kay Barbie Forteza, ang madlang pipol, dabarkads, kaptid atka-Tirada, suportado na maging sa iyo, ang lalaking makisig, Jak Roberto.