Papalo sa 11.6 milyong senior citizens ang inaasahang boboto sa Barangay at Sangguniang Kabataan ngayong araw at ayon kay National Commission for Senior Citizens chairperson Atty. Franklin Quijano, maituturing na malaking bilang mula sa hanay ng mga senior.
Sinabi pa ni Quijano na sila ay nalulugod dahil tinupad ng Commission on Elections ang pangako nito na maglaan ng special polling precints para sa mga senior citizen para sa mas magaan o maginhawa nilang pagboto at ang pagbibigay daan sa kanilang mas maagang oras ng pagboto.
Umaasa rin si Quijano na patuloy na tutugunan ng Comelec ang iba pa nilang mga hiling tulad ng electronic voting upang yung mga nakatatanda na hindi na makalakad patungong polling precints o nasa malalayong lugar ay makaboto pa rin.