Tila pambihira ang panganganak ng aktres na si Valerie Concepcion nitong Oktubre 25.
Sa pagsilang ng cast ng “Seed of Love” kay Viktor Francis Sunga, dalawa na ang anak niyang magkapareho ang birthday.
Ang unang anak niyang si Heather Fiona, 19 anyos, ay ipinanganak rin sa parehong araw, ayon sa post ng aktres sa kanyang Instagram.
Ang mga larawan ng baby boy nina Valerie at asawang si Francis Sunga ay ibinahagi nila sa kani-kanilang Instagram account.
Sa kanyang photo, nakahiga si Valerie suot at hospital gown at makikita ang baby boy sa nursery bed.
Sa isang photo naman, buhat-buhat ni Francis ang kanilang kasisilang na sanggol na may sticker na “No words” bilang tanda ng kanilang kasiyahan sa bagong anak.
May post rin si Valerie ng larawan ni Heather Fiona kung saan binabati niya ang dalaga sa kanyang Nursing Capping & Candle Lighting Ceremony sa araw din ng kanyang kapanganakan.