Isang kapitan ng barangay sa Santiago, Ilocos Sur ang binaril sa mukha ng mga di-kilalang suspect kahapon.
Ang biktima ay kinilala ng pulis na si Ruben Elefante na siya ring pinuno rin ng Association of Barangay Council of Santiago, ayon kay Ilocos Sur Police Provincial Office Director Darnel Dulnuan.
Ayon sa ulat ng pulis, binaril si Elefante 2:25 ng hapon sa Barangay Butol.
Tumama ang bala sa kanang bahagi ng mukha ni Elefante at tumagos malapit sa kaliwang tainga niya.
Ginagamot ang biktima sa ospital.
Tumatakbong barangay kagawad si Elefante habang ang kanyang asawa ay tumatakbong kapitan ng Barangay Butol.
Tinutugi na ng Ilocos Philippine National Police ang mga bumaril kay Elefante.