Nagsagawa ang pulis ng Pateros ng edukasyon para sa mga bobotong preso sa bayan at pagsasanay kung paano nila ito gagawin sa arawa ng hahalan sa barangay at sangguniang kabataan sa Lunes.
Pinangunahan ng Bureau of Jail Management and Penology at ng Department of Education ang pagtuturo at simulation exercise sa BJMP Municipal Hall sa Pateros at Polling Precinct nitong Biyernes. Dumalo rin ang mga opisyal ng mga nasabing ahensya.
Layunin ng proyekto na isulong ang pagsali ng mga nakakulong sa halalan na karapatan din naman nila sa ilalim ng demokrasyang pamahalaan.
Dalawang bahagi ang ginawa ng mga taga BJMP at DepEd. Ang una ay ang pagtuturo o orientation at ang pangalawa ay ang simulasyon ng proseso ng pagboto.
Sa simulasyon, ang kasaling 80 preso ay inalalayan sa pagpasok sa lugar na pagbobotohan sa BJMP at ang mga gagawin nila sa balota.
Sa pamamagitan ng pagsasanay, malalaman ng mga preso ang kanilang gagawin para makaboto.
Kasama rin sa pagsasanay ang seguridad at transportasyon ng mga bobotong preso, pati na ang electoral board na mamamahala sa botohan upang maging maayos ang pagboto ng mga preso.