Isang pulis na pinaniniwalaang pumatay umano sa kapatid ng kaniyang kinakasama ang sumuko sa mga otoridad sa Pasay City nitong Huwebes.
Ayon kay Pasay Police chief Col. Froilan Uy ng Pasay police, sumuko ang suspek na may ranggong staff sergeant sa Biñan, Laguna.
“Alam naman natin na once the person is armed, he is presumed dangerous. Kaya talagang ang mga kinontak ko ay mga close officers na naging boss niya, kaya luckily na-convince siya [sumuko],” sabi ni Uy.
Nasawi ang biktima matapos umanong barilin ng suspek sa insidenteng nangyari bandang ala-1 ng madaling araw sa bahay sa Barangay 190, Pasay City.
Batay sa imbestigasyon, nag-ugat umano ang krimen sa pagtatalo sa pagitan ng suspek at ng kaniyang live-in partner.
“Mayrong mga pagtatalong nangyari sa kanila dahil daw sa isang pagkakataon na na-reset ‘yong CCTV,” saad ni Uy.
Dumulog umano sa barangay ang kapatid ng live-in partner, bagay na ikinagalit ng suspek kaya binaril niya ito.