Iniulat ng mga otoridad na sumuko na ang pulis na umano’y namaril sa tapat ng isang bahay na ikinasawi ng kapatid ng kaniyang live-in partner sa Pasay City at ayon umano sa suspek ay nagsisisi siya sa kaniyang nagawa.
Base sa ulat ng pulisya, sumuko si Police Staff Sergeant Rowell Laquesta nitong Huwebes, at isinuko rin niya ang kaniyang service firearm.
Si Laquesta umano ang namaril sa Barangay 190 Don Carlos Village, na ikinamatay ng lalaking kapatid ng kaniyang live-in partner.
Pinaputukan niya rin ang kaniyang live-in partner ngunit hindi ito tinamaan.
Nasa Pasay Custodial Facility na ang suspek, na nahaharap sa mga reklamong kriminal at administratibo.