Dumipensa ang aktres na si Julia Barretto kaugnay sa isang video na viral ngayon sa social media kung saan sinasabing tinarayan umano ng dalaga ang kanyang mga kausap sa isang media conference.
Sa kanyang IG, ibinahagi ng dalaga ang screenshot ng nasabing video na mukhang deleted na sa ngayon.
“Julia Barretto, medyo nainis sa mga press dahil maingay during media conference,” iyan ang caption ng nasabing video.
Nilinaw naman ni Julia ang insidente.
“Hello. This is false,” saad ni Julia sa kanyang IG. “I was pertaining to some people who seemed not to be mindful of the ongoing event, NOT the PRESS. Media conferences are always the space for us to have conversations with our friends from the press.”
“We are trying to answer their questions and it was getting a bit difficult to hear each other,” saad pa ng dalaga.
Ayon rin sa kanya, matagal na nangyari ang nasabing presscon kung saan bumida siya sa pelikulang pinagtambalan nila ni Diego Loyzaga na ipinalabas noon pang Hunyo.
“Also, this was back in June for ‘Will You Be My Ex’. Why now? [face savoring food emoji],” pagtatanong ni Julia.