Nagbigay ng payo ang aktres at TV host na si Jennica Garcia para sa mga taong biglang iniwan ng kanilang partners at aminado siya na malalim ang pinaghuhugutan niya.
Naging viral kasi ang naging pahayag ni Jennica tungkol sa pagiging single na ipinalabas recently sa variety show na “It’s Your Lucky Day.”
“Iba ang pakiramdam kapag nasanay ka na sa buhay mo na may kasama, then all of a sudden, magigising ka, ‘Ako nalang pala.’ Sa mga biglang naiwan o nagulat na nagising mag-isa, huwag kayong mag-alala season lang ‘yan,” sabi ni Jennica.
“Darating ang panahon na sasabihin niyo, ‘Ay, kaya ko naman pala,” dagdag niya.
Marami namang mga netizens ang nakarelate sa tinuran ng aktres.
Kamakailan lang, nag-viral ang naging lovelife update ni Jennica sa nabanggit na programa.
Ito ‘yung pinaamin siya tungkol sa Koreano na nakakausap niya habang nagte-taping sa South Korea para sa pelikulang pinagbibidahan ng comedienne-actress na si Melai Cantiveros.
Nabanggit pa nga ni Jennica na nagulat siya dahil sa mga Koreano siya mabenta kaysa sa mga afam.
Pero sa kasamaang palad ay hindi raw natuloy ang kanilang relasyon dahil hirap silang magkaintindihan dahil na rin sa “language barrier” o magkaibang lengwahe.