Kamakailan lamang, ang bagong mang-aawit na tinaguriang Soulful Balladeer, si Dindo Fernansez ipinakilala ang kanyang kay gandang musika at mga komposisyon.
Ang likhang-awit ni ginoong Fernandez, humaplos sa puso, nagpapangiti, may hatid na inspirasyon at pag-asa. Kaya nga hindi na kataka-taka na ganiyang mga awitin ang ating mapapakingan sa kanyang kauna-unahang konsiyertong pinamagatang “Dindo Fernandez Live at Teatrino with Musica Chiesa” na mangyayari sa Sabado, Oktubre 28, 8 p.m.
Marami ang naging mausisa sa talento at mga orihinal na komposisyon ng Soulful Balladeer sa dahil sa singing sessions na matutunghayan sa kanyang pahina sa Facebook. Sa nasabingon-line pagtatanghal, naipapamalas ni Fernandez ang kanyang pagkanta na madamdamin at sinsero, at ang mga kwentong nakapaloob sa mga awitin, ay lalong lumilinaw at tumingtingkad dahil inilalagay ni Dindo ang kaluluwa at puso niya sa mga letra ng kanta.
Pahayag ni Fernandez sa isang pulong balitaan para sa kanyang konsiyerto: “Para sa concert na ito, sobrang maikli lang ang preparasyon namin. Pero kahit maikli, siguradong ang mga manonood, talagang mag-e-enjoy. Mahusay kasi ang pagkakapili ng songs. Ang mga maririnig, mga kantang malapit sa puso. Mga awit na masasabi kong mag-kwe-kwento sa journey ko ilang singer at kompositor.”
Patuloy na pagkwento ng Soulful Balladeer: “Kumpiyansa po ako sa team ko, kasama siempre diyan ang aking direktor Sir Joey Nombres, Ms. Elizabeth, Paolo at ang bandam ang Musica Chiesa. Alam kon di kong I am in good and great hands kasi sila ang mga katuwang ko sa gabi ng pagtatanghal ko.”I think we can pull off this concert.”
Dagdag kwento pa ni Fernandez: “Nakapag-rehearse na kami at araw-araw bago pa dumating ang takdang petsa, tuloy-tuloy ang rehearsal. Gawa na ang music sheets. Kinakabahan na ako. Pero mas lamang ang excitement.”
Ano ba ang kaabang-kaabang sa kanyang konsiyerto? Tugon ni Dindo: “Siyempre, ang repertoire na karamihan ay ballads, inspirational songs at siempre may mga surprise na kanta na first time ko ring gagawin. Kasama ko rito ang Musica Chiesa, 12-piece chamber instrumental ensemble sila na talaga namang kay huhusa. At ang special guest ko ay si Gel Pesigan,na naging finalist sa 2019 World Championships of Performing Arts.”
Patuloy na tugon ni Dindo: “Maswerte ako sap ag-gabay ng aking musical director Micheal Bulaong at ang award-winning stage Director Joey Nombres, kasi itong concert na ito, is going down the basics, stripped down in a way, walang mga LED, walang visual effects. Ang palulutangin talaga, ang kakayahan ko at talento bilang singer na mararamdaman at maririnig dahil sa mga piling-pili at natatanging mga kanta.”
Kamusta ang artistic at creative collaboration nila ni direk Joey Nombres? Maagap na sagot ni DindoL “I like working with Direk Joey because he’s straightforward. He’s more focused on the music. We know our audience is varied, but I’m pretty sure, from baby boomers, Gen Xers, millennials and even ang Gen Z’s, they will like and enjoy the show.”
Sa totoo lang, wais na desisyon na sa Teatrio gawin ang unang sabak ni Dindo sa concert scene dahil sa intimate setting nito, altang-alta ang ambience, tamang lugar para sa isang gabing punong-puno ng puso at pagmamahal, dahil sa mga aawitin ng bagong magpapaibig sa lahat, ang Soulful Balladeer, Dindo Fernandez.