Nasa huling yugto na ng pagsubok ang isang bakuna laban sa pagkasugapa sa cocaine.
Matapos ang isinasagawang pagsubok sa Calixcoca, makakakuha ng pagsang-ayon ng pamahalaan sa bakunang gawa sa Brazil at bibigyang-daan approval ang pagsisimula ng paggamit nito ng mga sugapa sa cocaine upang matigil nila ang adiksyon sa ilegal na droga.
Natapos nang subukan ang Calixcoca sa hayop at epektibo naman ito sa pagpigil sa pagiging bangag sa cocaine, ayon sa mga mananaliksik.
Pinapagana ng Calixcoca ang immune system ng katawan upang pigilin nito ang cocaine na umabot sa utak at magdulot ng tinatawag na “high.”
Ang bakuna ang magpapalabas ng antibodies na didikit sa cocaine molecules na nasa dugo. Palalakihin nito ang molecules upang hindi makapasok sa “reward center” o mesolimbic system. Karaniwang sa lugar na ito sa utak gumagana ang cocaine upang ito’y maglabas ng dopamine na nagdudulot ng masarap na pakiramdam.
Inaasahan ng mga gumawa ng bakuna na ito ang magiging kauna-unahang pampagaling sa adiksyon sa cocaine, ayon kay psychiatrist Frederico Garcia, coordinator ng mga gumawa nito mula sa Federal University ng Minas Gerais.
Nanalo ang Calixcoca ng top prize na 500,000 euros at gawad sa paligsahang Euro Health Innovation nitong nakaraang linggo. Ang nasabing gawad ay idinaos ng parmasyang Eurofarma.