Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang ma-institutionalize nang otomatiko ang income classification ng mga local government units na magtataguyod sa lokal na otonomiya at bigyang-daan ang mga LGU na maisakatuparan ang kanilang buong potensyal sa pagpapabuti ng ekonomiya.
Ang batas na ito ay naglalayon na mabigyan ang mga LGU ng mas tumutugon na diskarte sa pagtataguyod ng local autonomy at local development.
Sa ilalim ng RA 11964, ang mga munisipalidad ay dapat mauri sa limang klase, batay sa kanilang mga hanay ng kita at ang average na taunang regular na kita para sa tatlong taon ng pananalapi bago ang isang pangkalahatang income reclassification.
Ang mga LGU ay mauuri sa mga sumusunod:
-First Class: Mga munisipalidad na kumikita ng annual average income na P200,000,000
-Second Class: Mga munisipalidad na kumikita ng average annual income of P160,000,000, o mas higit pa ngunit hindi tataas sa P200,000,000
-Third Class: Mga munisipalidad na kumikita ng P130,000,000 o higit pa, o nang hindi tataas sa P160,000,000
-Fourth Class: Mga munisipalidad na kumikita na may annual average regular income na P90,000,000 o higit pa ngunit hindi lalampas sa P130,000,000
-Fifth Class: Mga munisipalidad na kumikita na may average annual income na bababa sa P90,000,000
Dagdag dito, ang Secretary of Finance sa konsultasyon sa National Economic and Development Authority at sa kinauukulang LGUs League, ay magkakaroon ng awtoridad na ayusin ang mga hanay ng kita batay sa aktwal na rate ng paglago ng taunang regular income.