May pamensahe ang aktres na si Andrea Brillantes ngayong laman na naman balita ang dalaga at ang kanyang ex-boyfriend na si Ricci Rivero.
Nitong nakaraan ay naglabas ng isang post ang dalaga ng isang bible verse.
“One of my favorite Bible verses, it has helped me a lot back then. Rereading it now to give me strength,” saad ni Andrea sa kanyang caption.
Ang verse na ibinahagi ni Andrea ay mula sa Psalm 62.
“So many enemies against one man— all of them trying to kill me. To them I’m just a broken-down wall or a tottering fence. They plan to topple me from my high position. They delight in telling lies about me. They praise me to my face but curse me in their hearts,” ayon sa verse.
Naging usap-usapan ang dalawa nang biglang nag-girlfriend reveal si Ricci at nagpahayag pa ito na tila pagpapasaring sa dating dyowa kaya naman hindi rin napigilan ng mga tagasuporta ni Andrea ang rumesbak.
Maging ang isa sa mga bestfriend ng aktres na si Bea Borres ay naging laman ng mga balita matapos i-retweet ni Ricci ang isa sa kanyang tweet nito na “lol hanggang hard launch nag mamalinis lmfao no.”
Banat ni Ricci sa matalik na kaibigan ni Andrea, “puro tweet bea gusto mo maglabasan tayo ng labada? Tara sabihan tayo kung sino talaga kumakabit? Hingi ka lifeline para may bala ka bago ka mag reply publicly for your publicity. Sayang pakikiaalam mo kung di ka kasama sa headline.”
At kamakailan lang nang maglabas ng statement si Ricci dahil sa patuloy na negatibong komento na natatanggap niya at sinabing pumupunta raw si Andrea sa kanyang condo tuwing madaling araw upang makipagbalikan.
“Pumupunta siya ng condo ko ng madaling araw ilang beses. For what? Para makipagbalikan. Nag-yes ba ako? Hindi!” lahad ni Ricci.
Banat pa niya kay Andrea at sa mga kaibigan nito, “Nanahimik ako sa detalye at tiniis lahat ang gawa-gawa nilang paninira d’yan sa mga laundry na ‘yan, sa mga gamit sa bahay para lang pagbigyan ang coping mechanism nila, pero sobra na.
“Wala naman nang mawawala sa akin, so bakit di ako magsasalita kung gusto pala nila ng detalye at hanggang ngayon hindi sila matigil sa kahibangan nila sa buhay ko.”