Aminado ang aktres na si KC Concepcion na inaasam niyang matutupad ang mala-fairy tale na pangarap niya at heto na nga, isang dream come true at answered prayer para sa actress-entrepreneur ang reunion concert ng kanyang parents na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa Mall of Asia Arena nsa October 27.
Ito nga ang “Dear Heart” concert ng dating mag-asawa na napakatagal hinintay ng mga loyal supporters ng nag-iisang Megastar at Ultimate Leading Man ng local showbiz.
Sa kanyang IG, nag-post si KC ng mga litrato ng kanyang mga letters para sa inang si Sharon noong bata pa siya kalakip ang baby photos niya with her parents.
“Dear Mommy… I hope I can go with you now. I love you so much. I will write you always again okay. Sana papa stays with us so we will be a complete family like what you said in your letter. I love you so much talaga okay,” sabi ni KC.
Sa caption na inilagay ni KC sa kanyang post, hindi niya akalaing mabibigyang katuparan pa ang “fairytale” na matagal na niyang pinapangarap na matupad. Ang tinutukoy nga ng dalaga ay ang reunion project nina Sharon at Gabby.
“Sometimes talaga ang fairytale will remain to be a fairytale lamang… Pero that’s okay! Thankful ako sa mga ‘silver lining’ natin in life. Imagine, 3 days nalang at magsasama sila Mama and Papa in a musical celebration after so many years… May ganito pa palang pwedeng mangyari!!! Fairytale come true parin naman, diba? Letters to Mama. Care of mama,” sabi pa ng dalaga.