Isang 34-anyos na lalaking kumakandidato bilang barangay chairman sa bayan ng Montevista sa Davao de Oro ang binaril hanggang sa mapatay ng mga hinihinalang riding-in-tandem Martes ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Alvin Garcia, kandidatong barangay chairman sa Camantangan sa bayan ng Montevista at batay sa paunang imbestigasyon, pauwi na umano si Garcia at kasama niyang kandidatong kagawad mula sa pangangampanya nang mangyari ang krimen.
Ito umano ang unang pagkakataon na tumakbo sa elective post ang biktima. Aalamin umano sa imbestigasyon kung pulitika ang motibo sa krimen.