Inihayag ni United States President Joe Biden na nababagalan siya sa mga tulong na dumadaan sa Egypt patungong Gaza.
Nitong nakaraan, sinabi ni Biden na nakikipag-ugnayan na ang US sa ibang bansa lalo na sa Egypt para bilisan na rin ang pagdaan ng mga humanitarian aide sa mga residente ng Gaza na naiipit sa kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas militant.
Ayon naman sa United Nations Relief and Works Agency for Palestine Refugees, maaring mapilitan silang ihinto ang operasyon sa Gaza kapag walang langis na maidedeliver doon dahil mahalaga umano ito para sa pagpapaandar ng mga water stations na magbibigay ng inuming tubig sa mga residente.
Una kasi sinabi ng Israel Defense forces na papayagan nila ang pagdaan ng mga langis sa Gaza subalit dapat tiyakin na hindi ito mapupunta sa mga Hamas militants.
Patuloy din ang ginagawang pakikipag-usap ng mga bansa sa ilang opisyal ng Hamas para sa pagpapalaya ng mga bihag.
Nagpakalat na rin ang Israel Defense Forces ng mga leaflets sa Gaza at nagtatanong sa kinaororoonan ng mga bihag.
Kung matatandaan, nanawagan na si Biden na palayain na ang lahat ng binihag na mga indibidwal ng militant group na Hamas.
Samantala, binigyang-linaw ni US Secretary of State Antony Blinken na hindi nila inuudyukan ang Iran sa anumang giyera.
Sa kaniyang talumpati sa pagpupulong sa United Nations, nais lamang linawin na walang intensyon ang US na udyukan ang Iran dahil malinaw aniya na tila ginagatungan pa ng nasabing bansa ang pautuloy na kaguluhan sa Israel at Hamas Militants.