Iginiit ng Vivamax star na si Azi Acosta na walang isyu sa pagitan nila ni Angeli Khang sa gitna ng intriga kung sino talaga sa kanila ang bagong Vivamax Queen.
Sa ngayon kasi ay magkasama ang dalawa sa latest offering ng Vivamax na “Sila ay Akin” mula sa panulat ng National Artist na si Ricky Lee at sa direksyon ng internationally-acclaimed filmmaker na si Mac Alejandre.
Sa isang mediacon, natanong dalawa kung ano ang masasabi nila sa isa’t isa.
“Azi and I have worked before in ‘Selina’s Gold’ and ‘Balik Taya’ but we have no scenes together. Dito, we live in the same house so marami kaming eksena together. Magaan ang feeling ko sa kanya. At bilib ako kasi magaling siya umiyak. She really knows her craft and she exceeded all expectations. We really had fun working together,” sabi ni Angeli.
Pareho lang din halos ang naisagot ni Azi sa katanungan at sinabing wala siyang anumang isyu kay Angeli.
Apat na beses nang naidirek ni Mac si Angeli – ang mga pelikulang “Silip sa Apoy”, “Selina’s Gold” at “Bela Luna”, at ang digital series na “Wag Mong Agawin ang Akin”.
“The first time I worked with him, kabado ako as I know matagal na siya sa industry. But it turned out, hindi siya terror. He really wants to help you grow as an actress. I can feel yung pag-aalaga niya, kasi tuturuan ka niya kunsaan mo huhugutin ang iyong emotions needed for a scene. So he has my complete trust. Kahit ano ipagawa niya sa akin, I will do it, as I know hindi naman niya ako ipapahamak,” sabi ni Angeli.
Sabi naman ni Direk Mac, love na love niya si Angeli.
“After this, we’re doing another movie, ‘Ganti-Ganti’. Angeli has really developed her acting skills to the point that she knows the right nuances na ibibigay niya sa isang eksena. I love both her and Azi,” sabi ni Direk Mac.
“They’ve both become my favorites. Their my muses. Here, they are both very daring. As to who’s better, we cannot quantify it. Magkaiba ang roles nila. As the film’s narrator, mas maraming dialogue si Azi. Angeli has minimal dialogue but she shows all her emotions in her acting,” sabi pa niya.
Kasama rin nina Angeli at Azi sa “Sila ay Akin” sina Vince Rillon, Andrea Garcia, Victor Rellosa, Cess Garcia, Gerald Madrid, Chad Alviar, VJ Vera, Vino Gonzales at G-Boy Pablo.