Tila may malalim na hugot itong si Andrea Brillantes nang magsalita ito sa It’s Your Lucky Day recently.
Kasi naman, matalim ang kanyang pahayag na tila patungkol sa kanyang ex-boyfriend.
“Hindi ko pinagsisisihan pero pinagtatawanan ko na lang ‘yung….Grabe, nagmahal ako nang sobra…Sa mga taong hindi naman deserve ‘yung pagmamahal na binigay ko.”
Iyan ang ariya ni Andrea at marami ang nagsasabing ito ay patama sa ex niyang basketball player na si Ricci Rivero na kamakailan lang ay umaming dyowa na ang Los Baños, Laguna councilor na si Leren Mae Bautista.
Sa mga comments na aming nabasa sa X (formerly Twitter), napuruhan si Ricci sa mga nagkomento. Meron namang nagsabing sana ay ibaling na lang ni Andrea kay Kyle Echarri ang kanyang paningin. Kasama niyia kasi sa Its Your Lucky Day ang binata.
“You deserve to be happy andrea.”
“Hindi mo talaga deserve yung lalakeng mabantot at 1 taong hindi nagpapalit ng brief nya. Diba @_ricciiirivero?”
“GRABEEEE WAGAS TALAGA MAG MAHAL ANG ISANG ANDREA BRILLANTES !!! YOU DESERVE ALL THE LOVE IN THE WORLD!!!!”
“Tingin ka s gilid..deserve nia mahalin ng sobra at ibbgay nia ung deserve mo ItsLucKYLEDREA DayNa.”
“Yung taga tupi din daw sha ng damit dati bukod sa taga laba jusmiyo! Tama dyan ka nalang sa katabi mo!”
“Beh deserve na deserve mo yung nkikinig sa likod mo oh Kyle daw pangalan hahaha.”
Samantala, nauna nang nag-react ang nanay ni Ricci na si Abigail, may hugot ito sa sinasabi niyang toxic na relationship.
“’Walang niloko at walang nanloko’ sadyang hindi lang sila ang gustong magkatuluyan ng tadhana…Have you ever wondered why some relationships work out while others don’t?
“It can be annoying when you want to be with someone, specially when you know you gave your ALL, but it just doesn’t seem to be working out.
“’God will end a relationship if it’s TOXIC’. If you’re in a toxic environment, you do not need to ‘get used to it for a long time’ or ‘just get over it.’
“God wants you to remove yourself from these situations. God will even help you set up an unthinkable escape… Just learn to LISTEN!”
‘Yan ang aria ni Abigail.
***
Naimbiyerna ang It’s Showtime host na si Vice Ganda matapos ang aberyang nangyari sa kanya habang pauwi na siya ng bansa galing sa Thailand.
Sa kanyang X (formerly Twitter) ay nagtaray si Vice Ganda laban sa serbisyo ng isang airline company.
“GRABE KA @flyPAL !!!
“Grabeng pangaabala at perwisyo ang dinulot mo sa masaya sanang trip na ito!!!
“Bakit kayo ganyan??? Ilang beses nyo kaming pinaranas ng overbooking sa puntong di nakasakay ang kasama namin.
“Ngayon ako naman ang nawalan ng upuan!
“Sistema nyo na ba talaga ang overbooking @flyPAL??? Alam nyo ba kung gaanong stress ang idinudulot nyo sa pasaherong di nakakasakay sa binook at binayaran nyang flyt? May damdamin pa ba kayo ng malasakit para sa pasahero? Pera pera?”
‘Yan ang walang kagatol-gatol na post ni Vice Ganda.
Agad namang nag-react ang airline company executive at humingi ng pasenya.
“Hi, Vice. We would like to express our apology for the disruption and inconvenience you have faced during what should have been a joyful journey.
“We truly understand your frustration, and we are genuinely sorry for the trouble this has caused you.”
Ang ganda-ganda pa naman ng mood ni Vice Ganda dahil this month ay magse-celerbate ang It’s Showtime ng 14 years sa ere.
“Happy 14th Anniversary my It’s Showtime family!!!! You are worth all the joy and pain. You are worth fighting for. To more years full of love with you and the Madlang People!!! Papapapapapapa ra papa!!!!” caption ni Vice Ganda sa kanyang Instagram page.
Tuwang-tuwa din siya dahil siya ang most watched celebrity hashtag sa bansa ayon sa Tiktok.
“10Billion views ng kagandahan ko! Chugug! Another MILESTONE! Zenkyooooowwww!” say ni Vice Ganda sa Instagram.
***
Isang Halloween treat ang handog nina Karina Bautista at Aljon Mendoza sa pinakabagong YouTube series ng ABS-CBN na “Hex Boyfriend” na mapapanood sa YouTube channel ng ABS-CBN.
Ani ni Aljon, “After last projects namin, I feel na mas equipped kami at mas mayroon kaming tools para mapaganda ung series. Kabisado na namin yung isa’t isa.”
Dagdag ni Karina, ” Nandun kasi yung friendship kaya hindi kami nahirapan. Naging smooth flowing din kasi pareho kaming excited at game kami to work together again in this project na parehas bago sa amin.”
Ayon kay Karina, kakaibang love story ang matutunghayan ng viewers dito lalo pa at may kinalaman ito sa mga mangkukulam at albularyo.
“Ito yung mga kwentong naririnig ko sa mga kapitbahay, lolo, at lola ko. Grabe ito yung kwentong Pilipino. Dito lang sa Pilipinas uso yung kwento sa mangkukulam at albularyo. Dito mabibigyan kulay yung culture natin. Mahilig kasi tayong maniwala sa mga ganyan,” saad niya.
Simula ngayong araw, makikilala ng KarJon fans si Raya, isang Gen Z na goth na galing sa pamilya ng mangkukulam. Dahil sa masamang paniniwala ng kanilang komunidad sa kanyang angkan, hirap si Raya na magkaroon ng kaibigan at mamuhay ng normal. Magbabago ito nang maging kapitbahay niya si Chris (Aljon) na mula naman sa pamilya ng mga albularyo. Alamin kung anong klaseng pag-iibigan ang mabuo sa pagitan ng dalawa.
Napapanood ang pinakabagong Made For YouTube offering na “Hex Boyfriend” sa YouTube channel ng ABS-CBN.