Isang umangkas na piloto ang kinasuhan ng tangkang pagpatay dahil umano sa tangkang pagpatay niya sa makina ng eruplanong nasa himpapawid.
Sa ipinalabas na pahayag ng Alaska Airlines, kung saan nagtatrabaho ang kinasuhang piloto, sinabi ng kumpanya na naka-off-duty ang kanilang empleyado at nakaupo sa likod ng mga piloto ng
Horizon Air Embraer E-175 habang ito’y bumibiyahe mula Everett, Washington patungong San Francisco, California nitong Linggo.
Ayon sa Alaska Airline, isinumbong ng mga piloto ng Horizon Air ang banta mula sa pilotong nakaupo sa tinatawag na flight deck jump seat na naka-reserba sa bumibiyaheng piloto.
Sinubukang patayin ng nasabing piloto ang mga makina ngunit naagapan ito ng pilotong kapitan at first office kaya hindi namatay ang makina at nasiguro nila ang kaligtasan ng crew at 80 pasahero ng eruplano, ayon sa pahayag ng Alaska Airlines.
Sa recording naman ng pag-uusap sa loob ng cockpit ng nabanggit na eruplano, sinabi ng piloto ng Horizon Air sa air traffic controllers na, “We’ve got the guy that tried to shut the engines down out of the cockpit. And he doesn’t sound like he’s causing any issue in the back right now.”
“I think he’s subdued. Other than that, yeah, we want law enforcement as soon as we get on the ground and parked,” dagdag ng piloto.
Bagaman hindi sinabi ang pangalan ng pilotong nagtangkang pumatay sa makina, kinasuhan ng Multnomah County Sheriff’s Office sa Portland si a Joseph Emerson, 44 anyos, ng 83 counts ng attempted murder, reckless endangerment at endangering an aircraft, ayon sa Agence France-Presse.
Kalakaran sa mga airlines ang pagpaupo sa cockpit ng umaangkas na piloto.