Aminado ang aktres na si Charlie Dizon na maligaya siya ngayon sa kanyang relasyon sa aktor na si Carlo Aquino at ayon sa dalaga ay hinahayaan na lamang niya at hindi pinapansin ang mga negatibong komento sa kanilang relasyon.
Marami kasi ang hindi pabor sa relasyon ng dalawa lalo na’t aware naman ang lahat na may anak na ang aktor sa kaniyang dating karelasyon na si Trina Candaza.
“Those are the things that I can’t control. I only control what I can control, so that’s myself. So ganun lang. At the end of the day, masaya kami eh. So bakit ko pa iisipin yung iba? May work ako. I’m so blessed so mas nagfo-focus ako na ‘Wow! Ang blessed ko ngayon,’” sabi ni Charlie.
Natanong naman ang dalaga kung ano ang talagang nagustuhan niya sa kanyang nobyo.
“Siguro yung binibigyan nya ako ng structure sa buhay. Kung alam lang nila kung paano si Carlo talaga,” sabi ng dalaga.
Base sa naging sagot ni Charlie, halatang super happy talaga silang dalawa sa relasyon na mayroon silang dalawa ngayon at wala na silang pakialam sa mga sinasabi ng iba sa kanilang relasyon.
Matatandaang July 2023 nang aminin ng dalaga sa isang interview kung ano ang real score sa pagitan nila ni Carlo.
“Opo, boyfriend ko po,” maikling sabi ni Charlie na siyang naging kumpirmasyon na magdyowa sila ni Carlo.