Nagsimula na ang South Korea sa joint aerial exercises kasama ang bansang Japan at Estados Unidos.
Ayon sa South Korea military na isinagawa ang exercise malapit sa Korean peninsula na siyang unang pagsanib puwersa ng tatlong bansa at ang drill ay para mapalawig ang kapasidad ng bansa sa pagresponde laban sa nuclear at missile threats ng North Korea.
Kinabibilangan ito ng B-52 strategic bomber ganun din ang mga fighter jets ng tatlong bansa.
Kung matatandaan, noong buwan ng Agosto kasi ay napagkasunduan ng mga lider ng tatlong bansa na gawing taunan na lamang ang nasabing drill.
Sa ibang balita, posibleng lumahok ang Armed Forces of the Philippines sa Exercise Talisman Sabre sa pagitan ng Estados Unidos at Australia sa taong 2025.
Ito ay kasunod ng imbitasyon ni Australian Defense Forces chief of Joint Operations Lieutenant General Greg Bilton kay AFP Deputy Chief of Staff Lieutenant General Charlton Sean Gaerlan sa kaniyang pagbisita sa Camp Aguinaldo, Quezon City.
Dito ay nagpulong ang dalawang opisyal kung saan natalakay din nila ang isasagawang biennial joint military exercises ng Australia at Estados Unidos sa taong 2025.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief LCOL Enrico Gil Ileto, tinanong ni Bilton ang AFP kung ano ang mga ninanais nitong makamit upang maisama ito sa kanilang maikonsidera sa pagplano ng naturang pagsasanay.