Bagama’t naging sentimental ang aktres na si Bea Alonzo sa pagdiriwang ng kanyang birthday, lubos pa rin ang pasasalamat niya sa lahat ng naging bahagi ng kanyang buhay.
Sa kanyang IG, ibinahagi ng dalaga ang isang portrait photo.
“Another year older and wiser [smiling face with halo emoji],” saad ng dalaga.
Kasunod niyan ay lubos na pinasamalatan ni Bea ang mga natanggap niyang pagbati at mga regalo.
“Thanks for all your sweet messages and those who sent gifts and flowers for my birthday [red heart emoji],” sabi ni Bea.
Ayon pa sa aktres, ngayong nadagdagan muli ang kanyang edad ay naiisip niya ang ilan sa mga napagdaanan niya sa buhay, pati na rin ang mga desisyon niya sa buhay.
“Every time I know that my bday is coming up, I always get the bday blues, and this year is no exception. It makes me think of so many things about my life and inspect my life decisions,” sabi ni Bea.
Dagdag niya, ang gusto niyang mangyari ay magkaroon ng makabuluhan ang kanyang buhay.
“You see, I want to live a meaningful life, and I always look for my life’s meaning. And I realized the essence of everything in your life is what you give it [red heart emoji],” saad niya sa post.
Makikita sa comment section na bumuhos ang mga pahabol na birthday greetings ng ilang kapwa-artista.
Ilan lamang sa mga bumati ay sina Jericho Rosales, Jenny Miller, Sam YG, Bayani Agbayani, Ruru Madrid, Gary Valenciano, Jolina Magdangal, Ryan Agoncillo, Sharon Cuneta, Mariel Padilla, Julie Anne San Jose, at marami pang iba.
Hindi rin siyempre nagpahuli ang kanyang boyfriend na aktor at businessman na si Dominic Roque na nag-post din sa sarili niyang Instagram account.
Kung matatandaan, taong 2021 nang kumpirmahin ng couple ang kanilang tunay na relasyon.