Mukhang maswerte ang Phoenix Super LPG sa pagkakasungkit kay Ricci Rivero sa rookie draft ng Philippine Basketball Association.
Ayon sa gobernador ng koponan na si Raymond Zorilla, tama ang pagkakapili sa basketbolistang dating nagkampeon sa UAAP bilang bahagi ng La Salle at University of the Philippines.
Kinwento ni Zorilla na sinabihan niya si team manager Paolo Bugia na siguhing makuha si Rivero sa draft.
“We were so lucky that he ended up in our laps, and immediately,
the guy proved his worth during the tune up games with Blackwater,
Converge and Rain or Shine. He might be the biggest steal in the
draft,” ayon kay Zorilla.
Ang dati ring miyembro ng Gilas Pilipinas ay tumira ng 28 puntos laban sa Blackwater sa tune-up game nila ilang araw lang ang nakalilipas, bagam natalo sila, 100-96.
Kinuha ng Phoenix si Rivero bilang 17th pick sa PBA rookie draft.
Inaasahang mabibigyan ang 6-2 na manlalaro ng maraming oras sa paglalaro sa Commissioner’s Cup na magsisimula sa Nobyembre 5.
Samantala, inamin ng basketbolista na magkarelasyon sila ng dating beauty queen na naging pulitiko na si Leren Bautista.
Sinabi ni Rivero ito sa kanyang Instagram. Ang post ay may kasamang litrato ni Bautista kasama siya sa loob ng kotse.
“Hindi tayo magtatago dahil walang dapat ikahiya. Wala nang agaw at walang inagaw. Walang bibitaw dahil masaya tayong magka hawak kamay,” saad ng dating boyfriend ni Andrea Brillantes sa kanyang post.
“I love seeing how you genuinely continue to help and care for people everyday despite others trying to ruin your reputation. Rest assured I will be with you in inspiring people to always be better. Thank you for being so selfless and simple,” dagdag pa ni Rivero.
Nitong Miyerkules, magkasama ang dalawa na nanood sa laban ng University of the Philippines.