Sumulpot sa isang natuyong ilog sa Amazon, Brazil ang mga batong may anyong tao na inukit 2,000 taon na ang nakararaan, ayon sa mananaliksik.
Pinatunayan ng residente ng Manaus na si Livia Ribeiro ang mga pambihirang bato na dating nalubog sa tubig ng ilog kaya nakatago.
Dahil sa umiiral na tagtuyot, bumaba ang taas ng tubig sa Negro River at nalantad ang mga batong may ukit.
Bagaman kinamanghaan ng mga residente at mananaliksik ang mga bato, nabahala rin sila sa kahihinatnan ng natutuyong ilog.
Ayon kay Ribeiro, iniisip niya kung tatagal pa ba ang Ilog Negro sa susunod na 50 hanggang 100 taon.
Ang mga batong may matandang ukit ay unang nakita noong 2010 sa lugar na tinawag na Praia das Lajes.
Karamihan sa mga ukit sa bato ay mga mukha ng tao na nakangiti o takot.
Sinabi ni Jaime Oliveira ng Brazilian Institute of Historical Heritage o Iphan na may katulad ang ukit sa modernong art.
Para naman sa historian at miyembro ng Iphan na si Beatriz Carneiro, mape-preserve ang mga bato kung babalik ang taas ng ilog at malulubog muli sa tubig ang mga ukit.