Isang magkasintahang Taiwanese na ikakasal ang nagsagawa ng kanilang wedding shooting nila may tambakan ng basura.
Ayon sa bride na si Iris Hsueh, isang aktibista ng kilalang environmental group na Greenpeace, gagawin nilang makakalikasan ang kanilang kasal sa Enero at sinabihan ang mga bisita na magdala ng kanya-kanyang lalagyanan para sa iuuwi nilang handa.
Sinabi ni Hsueh na mas epektibo ang larawan kaysa salita na maiparating ang kanilang kagustuhan sa mga dadalo sa kanilang kasal kaya isinagawa nila ang wedding shoot.
Ang dalawang taga-Taipei ay bumyahe ng tatlong oras papunta sa bayan ng Puli sa Nantou kung naroroon ang tambakan ng basura na gabundok na ang taas.
“Kung hindi gusto ng dadalo na magdala ng sariling lalagyanan ng pagkain, ipapakita ko sa kanila ang litrato namin at tatanungin ko sila kung maaari ba silang sumunod sa nais naming mangyari,” sabi ni Hsueh.
Subalit umakit ng atensyon ang kanilang photo shoot sa bayan ng Puli mula sa social media.
Ayon kay Chen Chun-hung,lumiliit ang populasyon ng Taiwan subalit lumalaki naman ang dami ng basurang itinatapon ng tao.
Mula nang mag-viral ang kanilang larawan, sinabihan sila ng kanilang mga kaibigan na babawasan nila ang kanilang mga basura.